as promised to luis and zen, here is the original tagalog version of last week's poem. every second line is mine:
sapantaha lang natin ang pagpatak ng ulan
sa panaginip, yakap mo ang araw
at kapwa tayo naalimpungatang pawisan
balot ng init at uhaw na abot langit
ilang tag-araw na tayong isinumpa ng ganito
dinadaya ng panahon,
kinukutya ng pagmulat
sa umaasong aspalto ng tanghaling tapat
babangungutin ba ako
ng pangamba sa dapithapon
kung pagkakanulo
ng salawahang panahon?
pipikit pa rin ako
at hihimlay sa ulap
ng tag-salat
sa buwan ng paggapas
dahil kahit di ininda ang patak ng ulan
di man natin saliwan
ang unang tikatik ng abril
liliparin natin
ang panginorin
hindi hihintayin
ang muling paggising
6 comments:
pagkaganda ganda naman nito!
Shet! Tagos puso to!
mas maganda nito kaysa ingles!
mas feel ko ung english.
pero parehong maganda!
:)
wow. i was blown away with the imagery. lalo na yung first stanza.
tis my first time here in your blog. :)
@ luis, line & lfts - salamas
@ pie - tenk yu sa pagbisita. balik ka!
hmn, happy!
Post a Comment